Friday, July 06, 2012

♪ "Make Everyone Shine Like the Sun" ♪





Marahil ay pamilyar tayo sa commercial na ito dahil madalas nating itong napapanuod sa telebisyon. Isa ito sa mga paborito kong patalastas sa telebisyon dahil hindi lamang ito nakakaengganyo panuorin (dahil sa background music na kasama sa patalstas), ngunit dahil rin sa nagpapakita ito ng isang mabuting gawain at aral sa ating manunuod. Ito ay may kwento, at hindi karaniwang patalastas lamang. Maganda itong ipakita sa telebisyon dahil ito ay nagpapaita ng isang mabuting asal, ang pagtanaw ng utang na loob. Kung kaya't kung papanuorin ito ng mga kabataan, ay siguradong may makukuha rin sila ditong isang mabuting aral.

Ang patalastas na ito ay tungkol sa isang bata na naiwan ng kanyang sundo o serbis. Nakita niya si Kuya Mario pagkatapos, at nagmalasakit itong ihatid ang bata sa kanyang tahanan. Sa kanilang daan papunta sa bahay nung bata, madami silang makakasalubong na mga taong bibigyan ng sorbetes o samamalamig ng bata. Ito ay isang uri ng pagpapakita niya ng isang kabutihang asal. Sa kanilang pagdating sa bahay ng bata, ito ay pababaunan ni Kuya Mario ng isang popsicle. Hindi dito nagtatapos ang pagpapakita ng kabutihang asal ng bata sapagkat ang pabaon sakanyang samamalamig ay kanyang hahatiin at ang kalahati ay ibibigay niya kay Kuya Mario. Ito ay isang pagpapakita niya ng pagmamalasakit sa kanyang kapwa at ang hindi niya pagiging makasarili.

Sa material na aking napili para sa online blog na ito para sa unang proyekto sa klase ng Fil14, makikita natin dito ang paggamit sa panitikan bilang isang paraan ng pag-iisip. 

1.) Sinasalamin nito ang paraan ng pagiisip ng mga Pilipino, na tayo ay may respeto sa kapwa. Ito ay ipinapakita ng bata ng siya ay gumamit ng "po" at "opo" ng may kausap siya nakakatanda. 


2.) Sinasalamin din ng material ang pagkakaroon ng malasakit ng mga Pilipino sa kanilang kapwa. Sa patalastas na ito, isang pagmamalasakit ang ginawa ni Kuya Mario dahil alam niyang naiwan ang bata ng kanyang serbis at inalok niya itong makisabay nalang sakanya pauwi. Sinasalamin ni Kuya Mario ang isang tatay o ang kahit na sinong matandang pinapangalagaan ang kaligtasan ng kanyang anak.


3.) Ang commercial ay sumasalamin sa pagiging matulungin ng Pilipino sa kanilang kapwa. Makikita ito duon sa bahagi ng patalastas kung saan tinutulungan ng bata si Kuya Mario sa kanyang hanap buhay at tumutulong mag-abot ng mga panglamig o sorbetes sa mga bumibili.


4.) Sa ikahuling bahagi ng patalastas ay makikita o masasalamin natin ang pagiging mapagbigay ng mga Pilipino. Hindi tayo madamot. Marunong tayo mamigay at tumanaw ng utang na loob. Makikita ito sa bahagi kung saan hinati ng bata ang pinabaon sakanyang popsicle ni Kuya Mario, at ibinigay ito sa matanda. Makikita rin na maaaring isang paraan din niya ito ng pagtanaw ng kanyang utang na loob sa matanda, sa ginawang magandang gawain nito sakanya.




Saturday, February 04, 2012

AM I A WALLFLOWER?

Hello again, my non-existent readers! Life is good. On Monday we don't have classes because it's our President's Day and Fr. Jett also declared that there will be no classes on Tuesday as he promised us a "Victory Day" for our 4Peat Basketball Championship in UAAP last September. So it's a four-day weekend for us Ateneans(only lol). Hooray!

I'm currently reading The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky. It's a really nice book. I'm actually excited for the movie. I'm not quite sure though when will it start showing. 


Until my next blog post fellas! Will go back to reading now :)

Wednesday, February 01, 2012

BLOGGING WORLD NEWBIE

Saying hello to the non-existent readers of this post! I decided to create a blog(again). Will not update this much though because I'll be busy with school. But I promise to post something whenever I have time. 'Til my next post fellas! :) TCA! ;)